Thursday, July 5, 2018

STRESS AT ANG STORYA NG BUHAY KO



Etong stress ang pinaka malaking problema ng bawat tao sa mundo. Dito nagsisimula ang depression, ang weird lang kasi bakit kailangan lahat ng tao kailangan maranasan to part naba ng buhay natin ang stress. Ang daling sabihin na hindi tayo magpapakastress pwede natin sabihin think positive lang dapat chill lang. Pano mo masasabing chill lang sa mundong madaming negative na scenario ang nangyayare. I'm not against na walang solusyon sa stress, may tatlong bagay lang naman na makakatulong satin para mawala tong stress na to. tiwala at pagmamahal sa sarili at higit sa lahat ang magdasal kay Lord. OO siya nga tandaan walang problemang binibigay satin na walang solusyon ika nila pagsubok lang yan malalagpasan mo yan basta magtiwala ka sa sarili mo and kay Lord. Gusto natin maging makabuluhan ang buhay natin kahit stress na tayo lahat ng tao gusto sumubok ng bago or bagong experienced. Walang imposible lahat ng yan kayang kaya natin gawin. Pero pano kaya ang buhay kung walang stress? wala na sigurong malulungkot na tao. 


Eto na umpisahan ko na uyyy intro palang yan dito na tayo sa totoong kwento ko. Di kita kilala di mo din naman ako kilala eto ang storya ko hahahaha lalim nuuu sige na eto na talaga.


Ginawa ko tong blogspot ko last year pa wala lang para maexpress ko nararamdaman ko kung makikita mo isa  lang blog ko yung cebu travel pa namin ng boyfriend ko. hahahaha oo may boyfriend ako duuhhh nabura kasi yung ibang vlog ko di ko alam kung ano ba napindot ko dapat madmai na yan ih. So eto na nagtratrabaho ako ngayon bilang Insurance Agent oo nanaman Agent ako, Ahente pero di ako makulit hahaha di kita pipilitin kumuha ng insurance sakin nu. pero kung gusto mo edi friends na tayo. Gusto ko ng masayang buhay sus kahit sino naman gusto yun eh pero para sakin ang masayang buhay ay kasama ang pamilya. 

Rewind tayo ah 5 year ago(2013)  namatay daddy ko Kidney Failure and 2 years ago (2016) namatay naman mommy ko infection at bumalik cancer niya haaayy hirap nu kahit ako din napapatanong sa sarili ko paano ko kinaya maging mag isa? OO nanaman ulit mag isa akong anak walang kapatid. Buong buhay ko for 20 years lahat nakabase sa daddy at mommy ko pero mas grabe sa mommy ko. Ganon talaga siguropag nag iisa ka lahat ng atensyon na sayo lahat nakukuha mo wala ka pang naiisip na stress ano lang ba stress mo nung bata ka mag aral at kung crush kadin ba ng crush  mo hahahaha. Pero lahat ng yun nawala yung saya nararamdaman mo kung tawagin nga nila "genuine happiness" ang hirap pala talaga mawalan ng mahal mo sa buhay. Nung namatay daddy ko naghintay pa kami na sumuko na si daddy pero sige lumalaban pa siya wala kaming pera nun kasi si daddy lang bumubuhay samin tama ka si daddy ko. Rewind ulit tayo ng konti Ang daddy ko ang original na insurance agent siya bumubuhay samin nagkasakit siya naging bed ridden siya ( di ko alam tama ba spelling ko sorry) for 3 years grabe nu laki ng binagsak ng katawan niya pumayat siya talag as in buto't balat pero still salamat sa telepono at cellphone nakakapagtrabaho siya at nabubuhay niya kami ng mommy ko. Idol ko talaga daddy ko sa mga gananyang diskarte. Pero napagod na siguro katawan niya kaya sumuko na siya di kinaya ni mommy ko ang lahat pati narin ako di kami ganon kaclose ng daddy ko kaya sobrang pag sisi ang naramdaman ko nun at eto nanaman si stress pumasok nanaman siya sa buhay ko. Nag aaral pa ko nun di ako makapagfocus sa pag aaral ko daming pumapasok sa utak ko at isa nadun pano na kaming mommy ko at tanggap ko na baka huminto ako sa pag aaral. Pero mabait padin talaga si Lord samin.

Eto na story pano naman ako napasok sa insurance, wala na kaming pera ng mommy ko nakahold na cheke ng tatay ko kasi patay na nga siya so ang option is maghanap kung sino ang pwede pumalit saknaya bilang ahente siguro alam niyo naman na kung sino db sinabe ko na kanina na Insurance Agent nga ako. hahahahaha so yun pinalap ako sa tulong ng dasal at paniniwlaa ko sa sarili ko nakapasa ako ng exam sa Insurance Commission opo Professional po ako kahit mukhang gago ako may license po ako bilang ahente. hahahaha  Naging maayos buhay namin ng mommy ko nagpagsabay ko ang pag aaral at trabaho. Wag kayo bumilib kasi lahat naman tayo kaya gawin yun para sa pamilya natin. Nakabili kami ng kotse ng mama ko (humble na tawa pasok) HIHIHIHI! to make it short naging stable na buhay namin.

Forward na tayo sa 2016 april 1 birthday ng mommy ko mag 50th birthday na siya neto pero may isang bagay siya na nirequest sakin gusto niya daw magbonggang birthday. Syempre mommy ko siya mahal ko yan eh sino ba naman ako para tumanggi minsan lang siya mag request eh. Sige go push natin ang 50th birthday pero syempre eto nanaman si stress umepal nanaman. Dami requirements dapat ayusin sa school Graduation na kasi namin sa April 22 yes tama ka ulit gragraduate ako on time di ako huminto mag aral ayaw ng mommy ko magyayabang ako konti sa part na to na isa lang bagsak ko sa buong college life ko bleh odiba yabnag ko hahaha! Okay mabalik tayo sa March 31 wala eh may nakabook na ng April 1 kaya minove nalang namin ng March 31 ang saya ng mommy ko high school friends niya nandun, college friends nandun kumpleto sila, Cinderella Gotesco nandun din sila lahat (nagwork mommy ko nung wala pa ko sa mundong to sa Cinderella bilihan ng mga damit s Ever Gotesco Caloocan alam mo yun kung taga caloocan ka) buong pamilya namin nandun din at dahil nikikiepal ako nag invite din ako ng friends. 

Eto na after ng birthday ni mommy nag uumpisa ng humina katawan niya lagi siya nilalagnat sumasakit yung sa tiyan niya yung tubo niya. ha? may tubo? rewind ulit tayo 2nd yr HS (2010)  ako naoperahan mamaya ko sa ovary may cyst kailangan tanggalin. Na diagnosed siya na may cancer stage 4 daw pero binalewala namin yun nilagyan siya ng tubo sa tiyan para dun daw siya chemotherapy.  Diba si stress nanaman lufet hahaha Pero ayaw ng mama ko ng chemo nakakapnghina lang yun pero gusto siya pagamot ng daddy ko magaling pa daddy ko nun nung nangyare kay mama yun malakas pa siya uminom at mag yosi. Dapat magpapagamot na si mommy pero nga nagkasakit si daddy. Naalala ko pa sinabe ni mommy na bat daddy ko pa nauna eh siya tong may cancer eh. Naging malungkot si mommy nun to the point na naiiyak ako kasi bakit gustong gusto na niya sumama sa langit dun sa tatay ko. Pero hindi lumaban mommy ko may infection na siya 6 years na niyang nasa tiyan yung tubo nagkainfection na sa loob kailangan tanggalin pinatanggal namin yun inoperahan siya naging successful naman.

Eto na April 22 yehes GRADUATION DAY ko na at yeheyy nakapunta mommy ko kahit bagong opera siya nakapunta siya pinilit niya yun kasi yun yung hinihintay niya sinasabe niya pa nga pag nakagraduate na ko pwede na daw siya sumunod sa daddy ko. Weird kasi tinotoo niya after ng graduation labas pasok na kami sa hospital nilaban ko si mommy kahit yung huling option na gamot sige binigay ko na kahit magkano pera lang yan madiling kitain pero buhay ng nanay ko lalaban ko to hanggang sa huli. Nilagyan na ng tubo sa bibig si mommy hirap na siya huminga. Tang*na eto nanaman si stress nanghihimasok nanaman sa buhay ko. Tinupad ni mommy sinabe niya ayaw na niya mahirapan pa sumuko na siya sumama na siya sa daddy ko. OO tinupad niya nung malakas pa mommy ko nagiging biro niya yung pag namatay siya di ko alam kung may nararamdaman na ba siya nun or trip lang niya yun. natatawa pakami pero naiinis ako kasi bat ganon. Pero nung nawala siya lahat ng habilin niya sinunod ko maliban lang sa cremate daw siya. Sorry mommy! 

Mga araw na gumigising ako na ako nalang magisa syempre epal talaga tong si stress COMBO pa sinama pa talaga niya si depress. Tang*na talaga neto pabigat sa buhay hayuuuppp galing manira ng buhay ni Stress at Depression. Gusto ko nlng sumunod nun sa nanay at tatay ko pero di nandyan sa tabi ko si Miguel oo siya yung boyfriend ko 5years na kami ngayon niyan naabutan pa yan ng nanay at tatay ko. Naging magulo buhay ko di ako makapagtrabaho ng maayos araw araw alak wala as in lutang ako talaga. Move forward na tayo nung sumunod na buwan at taon pinipilit ko bumangon wala para kanino pa ba ko babangon sa sarili ko db wala eh naiisip ko end of the day ako padin tutulong sa sarili ko eh. 

PRESENT DAY:

Eto nagtratrabaho padin ako nagiisip ako pwede ibusiness at yehes kami padin ng boyfriend ko. Masaya lang pero talaga minsan di na nawawala tong si stress buti stress na lang siya di na siya nagsasama ng ddddddd..... hahahhaha alam ko wala naman tong post ko na to baka wala pa ngang magbasa neto eh. Pero kung umabot ka man dito sa dulo Maraming Salamat isa kang Alamat. 

Basta tandaan natin bilog ang mundo minsan nasa taas, minsan nasa baba. Kailangan lang nati sumabay sa ikot neto kasi sa bawat araw may mga taong naghihintay satin. At di tayo papabayaan ni Lord lagi lang siya  nasa tabi natin ginagabayan tayo lagi ka lang magdasal.

Bye,
ABC

No comments:

Post a Comment